Here is the lyrics of "Masaya Ako Sayo" by Curse One featuring Ms. Yumi
Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,
pag katabi kita di ako makapagsalita
pero di ibig sabihin nun, na ayaw kita
at di kita gusto…
sadyang kumakaba lang ang damdamin ko.
gusto ko mang sabihin sayo pero ang lakas ng hiya ko
parang ewan lang…
binibini ng buhay ko,handa kong ialay ang lahat,
sabihin mo lang at gagawin ko para lang sayo…
handa kong ibigay lahat ng sakin
sayo, di di di di di di ko kayang mawala ka sakin…
ikaw ang dahilan ng aking paghinga.
sanay habang buhay ka nang makasama pagkat
masaya ako sayo,
naghihintay ng tala… na daraan saking paningin
pagkat gusto kong humiling na..
sana ang pinakatinatangi-tanging babae na sakin
nakapagdulot ng kakaibang saya’y di na mawalay pa
dahil baka di ko kayanin to..
ikaw ang syang pinakamakislap na bituin
para sakin sinta ohhh…
at ikaw di ang syang nagsisilbing matamis
na pananginip ko.
handa kong ibigay lahat ng sakin,
sayo,di di di di di di ko kayang mawala ka sakin..
ikaw ang dahilan ng aking paghinga.
sanay habang buhay ka nang makasama pagkat
masaya ako sayo,
ikaw ang musikang naglalaro sa isipan ko oohh..
ikaw ang syang awit ko..(ang awit ko..)
sana ako’y dinggin mo..
ako ay parang emo kung magdrama,
sayo lang nadama sayang kakaiba
kumbaga ikaw si wendy ,ako si peter pan,
sanay sumama ka sakin dun sa neverland.
nang mapagsaluhan natin ang pag-ibigan
nawalang katapusan,walang hanggan
ikaw ang nagbigay kabuluhan sa buhay ko
at ikaw ang syang sa akin ang nagbibigay kahulugan
kung bakit ako pinanganak ng magulang ko siguro nga
ay para lamang ibigay ang isang..
binibini na nababalutan ng mga anghel
sa paligid at nagdudulot ng saya’ng nakakaparalisa
nag papasalamat ako sa itaas dahil pinakilala ka nya sakin
sana ay…
di di di di di ka na nya kunin sakin,
dahil di ko kakayanin.
(2x)
handa kong ibigay lahat ng sakin,
sayo,di di di di di di ko kayang mawala ka sakin..
ikaw ang dahilan ng aking paghinga.
sanay habang buhay ka nang makasama pagkat
masaya ako sayo,
masaya ako sayo,masaya ako sayo,
Loading...
Comments
Post a Comment