Here is the lyrics of "Paratingin Mo Na Siya" by Davey Langit
Paratingin mo na siya, sige na LordIlang kasal na ba ang aking napuntahan
Ilang pag-iisang dibdib na bang nasaksihan
Yung iba kaibigan, kakilala, estranghero
Lahat sila tila 'di mauubusan ng pag-ibig
Ang titig sa isa't isa
Parang bottomless iced tea ang kilig
Para bang gusto mo nang maniwalang
May naghihintay na tunay
Pag-ibig na pang habangbuhay na talaga
Kaya ko isinulat 'tong awitin
[ Chorus ]
Panalangin ko diyan sa itaas
Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas
Ayoko nang mag-isa
'Di na ko bumabata
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na ang puso kong makilala siya
Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya
Bigyan mo naman ako ng sign
Nagkita na ba kami?
Nagkasalubong 'di ko napansin nung sintas ko ay itali
Nakasakay ko na ba sa bus, sa jeep, sa MRT kaya?
O baka naman kung saan-saan pa naghahanap
Eh hawak ko na pala
Pero binitawan ko pa
Ngayon ay hawak na ng iba
Ayan tuloy ako nganga
Kung tunay nga ang destiny
Di na ko mapakali
Dali na please
Dinggin nyo po ang sinulat kong awiting
[ Chorus ]
Panalangin ko diyan sa itaas
Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas
Ayoko nang mag-isa
'Di na ko bumabata
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na ang puso kong makilala siya
Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya
Ang tagal naman nya Lord
Matraffic ba?
Ayoko na kasing humanap ng iba
Quota na sa mga sablay
Kaya kung pwede pong hilingin ko nang
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Sawa na sa pagkabinata
Handa na akong makilala siya
Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya
Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Paratingin mo na siya, sige na Lord
Loading...
Comments
Post a Comment