Skip to main content

Kalye - Gloc-9 featuring Yosha Lyrics



Here is the lyrics of Kalye by Gloc-9 featuring Yosha

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Iba’t Ibang tao, Iba’t Ibang araw
Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag
At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw

Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy

Usad na di palangoy tawa man o panaghoy
Lahat tayo’y mababasa  o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang syang daan kahit buo kong
pangalan ay kinatatamarang

Sambiting madiin marating tawirin tiisin
Kung ayaw mo sa’kin sige piliin kung alin
Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina

Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Aling Celia ang pangalan
Lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paro paro sa balikat yun ang akala

Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka
Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela

Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga
Madilim kasuluksulukan sa Boni
Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit

Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit
Napiit kahit na di ito Selda Bilibid
Araw araw napakaraming tao ang naiipit
Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye
Galit reklamo angal asar
Init pahid pa
Tila di marating ang tinatanaw na lugar

Napakabagal  ng pag usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito’y  nagsilbing
kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging

Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at
Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke

At tapang na katulad na pinagsama samang kape
Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Loading...

Comments

Popular Posts

Lyrics: Kejs and Lorraine - Itanan Mo Na Ko

On June 27, 2014, the video published on Youtube by Mark Anthony Ching. As of this posting the video garnered thousands of views. Here is the lyrics of "Itanan Mo Na Ko" by Kejs and Lorraine – Breezy Music Napakasaya ng mga sandaling nag sisimula palang ang relasyon nating dalawa na tila ngayon napunta na sa komplekadong sitwayon laging may sumasaway di ka pa raw puwede sakin humawak at umakbay nanjan si papa at mama baka puwedeng sa labas ka nalang muna mag-antay pipilitin kong tumakas mamaya para ikaw ay aking mapuntahan para sayo ay gagawin ko ang lahat kahit sa bintana ako ay dadaan kahit na mataas handa kong talunin kung ang kapalit ay makasama ka kung nadidiktahan ko lang si mama’t papa di sana bukas kasalan na di sana tayo nahihirapan ng ganto sa pagiwas sa mga hadlang pero mag kaganon paman asahan mo aking mahal para sayo ako’y handang magtiyagang tumakas araw araw dahil sa ikaw ay namimis ko na agad Sa tuwing tinitignan ko sa aking braso ang bakas

News: Juris sing "Forevermore" Theme Song

Former MYMP lead singer, Juris will sing the official theme song for ABS-CBN new TV series entittled "Forevermore". Directed by Cathy Garcia-Molina and Ted Boboro, Forevermore  is set to premiere this Monday, October 27 on ABS-CBN Primetime Bida block. Forevermore', is a love story of Alexander, a rich and very handsome man and Agnes, simple Filipina girl who lives in Benguet. Originally from Side A Band, Forevermore has been revived by the female acoustic singer.

Lyrics: Sorry Na, Pwede Ba - Kaye Cal

Here is the lyrics of  "Sorry Na, Pwede Ba" by Kaye Cal (Acoustic Cover) Di ko nais na magkalayo Nagselos ka at nilayuan mo ako Buhay nga naman, tunay bang ganyan Bumalik ka naman Kahit na ano pa ang iyong gusto Okey lang basta’t magkabati tayo Minamahal kita, hihintayin kita Sorry na, pwede ba? [Chorus] Buhay ko’y nasa ‘yo Matitiis mo ba ako, oh baby Huwag sanang magtampo Sorry, pwede ba? Kahit na ano pa ang iyong gusto Okey lang basta’t magkabati tayo Minamahal kita, hihintayin kita Sorry, pwede ba? Buhay ko’y nasa ‘yo Matitiis mo ba ako, oh baby Huwag sana, Huwag sanang magtampo Sorry, pwede ba Sorry, pwede ba Sorry, pwede ba